Patay matapos malunod sa ilog ng Balatan, Camarines Sur ang tatlong batang magpipinsan.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nangyari ang trahedya sa isang ilog sa Barangay Luluasan sa nasabing lugar.
Kuwento ni Lola Lorna Andaya, inaya ng isang 4-anyos na bata ang kaniyang tatlong pinsan na edad tatlo at apat pero kinalaunan, ang nag-ayang bata na lamang nag iisang umuwi.
Ayon sa kaanak ng mga biktima, hindi sumasagot ang bata nang tanungin kung nasaan ang kaniyang mga pinsan.
Nang pinilit nila itong kausapin ay dito na umamin ang bata na nalunod ang kaniyang mga pinsan sa ilog.
Agad na pinuntahan ng mga kaanak ang lugar pero hindi na nila naisalba ang buhay ng tatlo biktima.
Pinag-aaralan ngayon ng barangay na magpasa ng ordinansa para ipagbawal ang paliligo sa naturang ilog para maiwasan ang anomang trahediya. —sa panulat ni Angelica Doctolero