Nakatakdang hirangin ni Pope Francis bilang santo ng simbahan ang tatlong batang pastol na pinagpakitaan ng birheng Maria sa Fatima, Portugal sa Mayo a-trese.
Kasabay ito ng ika-isandaang anibersaryo ng aparisyon ng Birhen sa Fatima nuong 1917 na isa sa mga itinuturing na pinakamalaking milagro ng ika-labing siyam na siglo.
Pangungunahan ng Santo Papa ang canonization rites kina Sr. Lucia, Francisco at Jacinta sa mismong basilika ng Fatima sa nasabing bansa.
Si Pope Francis ang ika-apat na papa na bumisita sa nasabing dambana maliban kina Pope Paul VI, St. John Paul II at Pope Emeritus Benedict The XVI.
By: Jaymark Dagala