Naglahad ng tatlong salik sa ligtas na pagbabalik sa eskwela si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa punong ehekutibo, ang edukasyon ang nangungunang prayoridad ng pamahalaan sa kabila ito ng banta ng COVID-19.
Kabilang sa mga salik na ito ay ang community COVID risk assessment, school based readiness para sa health standard at shared responsibility sa school based instruction.
Sa pagbubukas ng school year 2021-2022 sa darating na Setyembre 13, ipinagbabawal pa rin ang face to face classes.
Matatandaang sinalungat ni Pangulong Duterte ang pagpapatuloy ng face to face classes simula ng humagupit ang COVID-19 pandemic.―sa panulat ni Rex Espiritu