Isinailalim na sa state of calamity ang mga bayan ng Candaba, San Luis at Arayat sa lalawigan ng Pampanga dahil sa malawakang pagbahang dulot ng bagyong Lando.
Base sa report ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council o RDRRMC, marami pa ring lugar sa naturang probinsya ang lubog sa baha dahil pag-apaw ng Pampanga river.
Sa Candaba, nagmistulang water world ang 16 na barangay kung saan umaabot umano hanggang 10 talampakan ang tubig-baha.
Lubog din sa baha ang 13 barangay sa San Luis habang 15 barangay naman sa bayan ng Arayat.
By Jelbert Perdez