Arestado matapos maaktuhan nagsusugal ang 3 benepisyaryo ng pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4ps sa Purok 4, Barangay Bone South Aritao, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang mga suspek na sina Allan T. Jalmasco, alyas “Michelle” ,46-anyos; isang alyas Jona, 53-anyos; at Melinda, 46-anyos na nakitang naglalaro ng card game o ang tinatawag na “tong-its.”
Nakumpiska sa kanila ang P290 na halaga ng pera na ginamit sa pagsusugal, at isang asul na plastic playing cards.
Nahaharap ngayon sa kasong kriminal sa Korte ang mga inarestong suspek.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development, ang tulong pinansyal mula sa pambansang pamahalaan ay dapat gamitin sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan at huwag sayangin sa pamamagitan ng mga aktibidad sa pagsusugal.