Patay ang tatlong menor de edad nang masagasaan ng Philippine National Railways sa Sta. Mesa Maynila, kagabi.
Ayon kay barangay tanod Lester Narra, dayo lang sa lugar ang tatlong magkaka-barkada na edad 16 hanggang 17 para magbasketball.
Ani Narra, bandang alas 6 ng gabi ay naglalakad ang mga ito sa gitna ng riles, sinubukan pa aniya nitong tawagin ang mga kabataan ngunit hindi yata siya umano narinig ng mga ito dahil sa lakas ng busina ng tren.
Galing umano sa kurbada ang tren kaya maaaring hindi alam ng mga biktima kung nasaang lane ito ng riles.