Matapos ibunyag sa DWIZ ni United Sugar Producers Federation President Manuel Lamata, tuluyan nang ni-raid ng Bureau of Customs ang tatlong bodega sa Bukidnon kung saan may naka-imbak na sako-sakong asukal.
Nasa 460,000 na sako ng asukal ang bumulaga sa mga BOC personnel nang salakayin ang mga warehouse ng Crystal Sugar Milling sa North Poblacion, sa bayan ng Maramag.
Alinsunod ito sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na mag-inspeksyon batay na rin sa mga natanggap na intelligence report na nag-ho-hoard umano ng asukal ang mga may-ari ng bodega.
Sa mga nadiskubre, nasa 264,000 sacks ang sinasabing naibenta na pero hindi pa kinukuha sa mga warehouse pero walang maipakitang dokumento ang warehouse manager na si Javier Sagarbarria kung otorisado ang mga naka-imbak na asukal.
Una nang nanawagan si Lamata sa mga otoridad na magsagawa ng inspeksyon sa mga nasabing bodega.