Parehong makakatanggap ng bahay at lupa ang tatlong boksingerong Pinoy na nakasungkit ng medalya sa Tokyo Olympics.
Sina Carlo Paalam, Men’s Flyweight at Nesthy Petecio, Women’s Featherweight ay kapwa nakakuha ng pilak sa olimpiyada habang bronze naman ang nasikwat ni Eumir Marcial sa Men’s Middleweight Division.
Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, ang tatlong boksingero ay pagkakalooban niya ng house & lot sa Tagaytay.
Matatandaang nangako rin ng bahay at lupa si Tolentino kay Hidilyn Diaz matapos makasungkit ng gold medal sa weightlifting.