Tatlong (3) miyembro umano ng Abu Sayyaf ang nasakote ng mga awtoridad sa Zamboanga City.
Kinilala ng Zamboanga City Police ang isa sa mga suspek na si Alfad Pahad Colayan.
Ayon kay Senior Supt. Luisito Magnaye, hepe ng Zamboanga City Police, pawang mga bomb maker ng ASG ang tatlo na naaresto ng Police Intelligence Unit sa Atilano Pensionne House sa barangay Canelar.
Dahil dito, napigilan ng mga awtoridad ang plano ng bandidong grupo na maglunsad ng pag-atake partikular ng pambobomba sa lungsod.
By Drew Nacino