Target ng Pilipinas na ibaba sa tatlong buwan ang interval period bago makatanggap ang isang fully vaccinated individual ng kanyang booster shot kontra COVID-19.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque, III, posibleng magpasa sila ng proposal sa Vaccine Expert Panel na kung maaaring gawing tatlong buwan na lamang ang interval period sa mga tatanggap ng ikatlong dose ng bakuna.
Sinimulan ng Pilipinas ang inoculation ng mga healthcare worker na may mga booster shot noong Nobyembre 17 habang ang mga nakatatanda at immunocompromised na indibidwal ay nagsimulang tumanggap ng mga booster shot noong Nobyembre 22.
Habang sinimulan ng pamahalaan ang pagbibigay ng booster shot sa lahat ng nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna nuong December 3.