Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na kanila nang binawi ang tatlong buwang ‘closed fishing season’ para sa mga sardinas sa Visayan Sea.
Sa inilabas na abiso ng BFAR, sinabi ni National Director Eduardo Gongona na ang naturang kautusan ay ipinatutupad tuwing ika-15 ng Nobyembre hanggang ika-15 ng Pebrero kada taon.
Ibig sabihin, habang umiiral ang naturang kautusan, ipinagbabawal ang panghuhuli o pangingisda ng sardinas, herrings at mackarels.
Bagamat umiiral noon ang naturang polisiya ng BFAR, may nahuli ang mga ito na lumabag sa naturang kautusan.
Giit ng BFAR, sa tuwing ipinatutupad ang ‘closed fishing season’ ay sana anila ay sundin ito ng publiko lalo’t para ito sa kapakanan ng suplay ng isda na siyang aanihin din ng bansa.