Binuwag ng Manila Police District o MPD ang tatlong buwang pagkakampo ng Kadamay sa Don Chino Roces Bridge sa Maynila.
Matapos ang clearing operations ng MPD, Metro Manila Development Authority o MMDA at Department of Social Welfare and Development o DSWD, nabuksan na sa trapiko ang magkabilang bahagi ng Don Chino Roces Bridge.
Nilinis din ng mga bumbero ang lansangang una nang inukupa ng mga miyembro at supporter ng Kadamay.
Pumayag naman ang labing walong (18) miyembro ng Kadamay na nagkampo sa lugar na magtungo na lamang sa rehabilitation center ng DSWD.
Ang clearing operations ay sagot sa kahilingan ng Mendiola Consortium na umaapela sa local government dahil nakakaabala na anila sa mga estudyante at trapiko ang pagkakampo ng mga miyembro ng Kadamay.
—-