Nagbigay ng tatlong buwang palugit ang Meralco sa mga consumer na hindi pa nakakabayad ng bill sa kanilang kuryente sa gitna ng ipinatupad na granular lockdown.
Ayon sa Meralco, maaring gawing hulugan ang pagbayad sa mga bill na natengga at hindi nabayaran ng mga consumer bunsod ng COVID-19 pandemic.
Nilinaw din ng Meralco na hindi sila magpuputol ng kuryente sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown.—sa panulat ni Angelica Doctolero