Hiniling ng tatlong makakaliwang gabinete ni Pangulong Rodrido Duterte na ituloy ang peace negotiations para sa kapakanan ng milyon-milyong Pilipino.
Sa joint statement nina Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, DSWD Secretary Judy Taguiwalo, at National Anti-Poverty Commission Chairperson Liza Maza, iginiit nila sa GRP panel na ituloy ang usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front.
Ayon sa tatlong gabinete, ang pinakamahalagang agenda sa peace talks na comprehensive agreement on social and economic reforms ang nakalinya na sa negosasyon at magiging susi sa hinahangad na kapayapaan at kalutasan sa matagal ng problema sa kahirapan.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping