Patay ang dalawang CAFGU makaraang makasagupa NPA o New People’s Army sa Barangay Mactan sa bayan ng Cawayan sa Masbate.
Batay sa ulat ng Masbate Provincial Police Office, nagka-engwentro ang dalawang panig habang nagsasagawa ng combat patrol operations ang CAA detachment ng 2nd infantry battalion ng Philippine Army sa nasabing barangay.
Agad na nasawi ang tatlong miyembro ng CAFGU matapos ang ilang minutong palitan ng putok.
Habang hindi pa mabatid ang bilang ng mga nasugatan at nasawi sa hanap ng mga rebelde.
Patuloy naman ang isinasagawang operasyon ng militar laban sa mga NPA sa lugar.