Nakatanggap ng parangal ang tatlong (3) pulis na nasugatan sa anti-insurgency operations laban sa mga rebelde sa Caraga region.
Personal na ipinagkaloob ni Regional Police Office Head, Chief Supt. Rolando Felix, Caraga, ang “medalya ng sugatang magiting award” kina PO1 Ricky Arcite, PO1 Danilo Valenzuela at PO1 Diomar Guiral.
Maliban dito, binigyan din ng tig-P50,000 sina Valenzuela at Guiral, kapwa nakatalaga sa 13th Regional Public Safety Battalion.
Ayon kay PRO-Caraga Spokesperson Supt. Martin Gamba, makakatanggap din ng hiwalay na cash assistance ang mga naturang pulis mula sa public safety mutual benefit fund.
Magugunitang nasugatan sina Valenzuela at Guiral matapos makabakbakan ang ilang miyembro ng NPA o New People’s Army sa Nasipit, Agusan del Norte noong Agosto 1.
By Gilbert Perdez