Dumating na sa bansa ang tatlong barkong pandigma ng China para sa tatlong araw na goodwill visit.
Sinundo ang mga ito ng BRP Nicolas Mahusay mula sa Pakiputan Strait sa Davao Gulf hanggang makadaong sa Sasa Wharf sa Davao City.
Ayon kay Lt Jetmark Marcos, ang Public Affairs Officer ng Naval Forces Eastern command, ipinadama sa mga Tsino ang Filipino hospitality ng salubingin ang mga ito ng nasa 300 katao kabilang na ang ilang miyembro ng Filipino-Chinese Community sa Davao City.
Pinangunahan ni Davao City Mayor Sarah Duterte at ng ilang opisyal ng Phil Navy ang welcome ceremony para sa mga barko ng Tsina.
Nakatakda ring bisitahin ang mga ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Isang guided missile destroyer, isang guided missile frigate at isang replenishment ship ng Chinese military ang nasa Pilipinas ngayon na magtatagal hanggang Mayo 3.
By: Jonathan Andal