Natukoy na ng Department of Health (DOH) ang tatlong close contacts ng 10 bagong Omicron COVID -19 variant case sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isa sa nasabing contacts ay negatibo sa COVID-19 habang isasailalim sa re-testing ang dalawa habang nakasailalim pa rin sa quarantine.
Matatandaang, naiulat ang 10 karagdagang Omicron cases nitong Biyernes kung saan umakyat na sa 14 ang kabuuang kaso ng naturang variant.
Bukod dito, may 3 local cases, 2 ang nasa bicol at 1 naman ay nadetect sa National Capital Region.
Samantala, 11 naman ang imported cases, siyam rito ay Returning Overseas Filipino at dalawa ang Foreign Nationals.