Nakansela sa ikalawang pagkakataon ang nakatakda sanang pagsalang sa Commission on Appointments (CA) ng ilang opisyal ng Commssion on Elections (COMELEC), Commission on Audit (COA) at Civil Service Commission (CSC).
Kabilang dito sina COMELEC Chairman Saldamen Pangarungan, COMELEC Commissioner George Garcia, COMELEC Commissioner Aimee Torrefrancia Neri, COA Chairperson Rizalina Noval Justol at CSC Chairman Karlo Alexei Bendigo Nograles.
Nagtakda ng panibagong hearing ang CA Commmittte on Constitutional Commission na pinamumunuan ni Senador Cynthia Villar subalit nagmosyon si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na ipagliban ito sa Miyerkules, June 1 na siyang pinakahuling araw ng sesyon ng kongreso.
Sinabi ni Zubiri na sa nasabing araw ay walang miembro ng CA ang makakapag-invoke ng CA section 20 para harangin ang kumpirmasyon ng isang nominee at mayruon aniyang mga oppositor sa kumpirmasyon nina Pangarungan, Garcia at Neri.
Samantala, sa pagsisimula ng hearing ay binanggit din ni Zubiri ang nangyari noong February 2016 kung saan ay ini invoke ni dating senador Juan Ponce Enrile ang section 20 at sinabi na makabubuti na ipaubaya na lang sa susunod na mauupong pangulo ang pagtatalaga ng posisyon sa ilang constitutional office. – sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)