Dinampot ng mga awtoridad ang tatlong construction workers dahil sa umano’y pagkakasangkot sa kasong pagnanakaw sa Brgy. Calzada-Tipas, Taguig City.
Kinilala ang mga suspek na sina Mark Anthony Bustamante, Josef Sutana at Roland Badjao, pawang nakatira sa Brgy. Mayamot, Antipolo City.
Sa imbestigasyon, nakita sa CCTV ng R. Abalos Construction Inc. ang mga suspek habang ninanakaw ang halos pitong daang piraso ng angle valves na nagkakahalaga ng halos 980,000 pesos.
Ang tatlo ay pawang mga empleyado rin ng nasabing kompanya.
Nahaharap sa kasong qualified theft ang mga naturang suspek.