Pinagkalooban ng pardon ang 3 convicted na Pilipino sa United Arab Emirates, kasunod ng ginawang apela ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay UAE President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan.
2 sa mga ito, nasa death row na, dahil sa kasong drug trafficking, habang ang isa naman ay na-sentensyahan ng 15 taong pagkakabilanggo, dahil sa slander.
Ayon kay PCO Secretary Cheloy Velicaria Garafil, nagkausap na sina Pangulong Marcos at UAE President Sheik Mohamed, kung saan nagpasalamat si Pangulong Marcos sa naging tugon sa kaniyang hiling, dalawang buwan na ang nakakaraan.
Ginamit din ng pangulo ang pagkakataon upang pasalamatan ang UAE government sa pagpapaabot ng tulong sa mga apektadong pilipino dahil sa paga-alburoto ng Bulkang Mayon.
Habang ang UAE President naman, kinilala ang kontribusyon ng mga OFW sa kanilang bansa. – sa panunulat ni Jenn Patrolla