Nagbukas ng ilang gates ang tatlong dam sa Luzon para sa inaasahang spilling operations ngayong araw na ito.
Ayon sa PAGASA, ala-6 ng umaga nagbukas ng dalawang gates sa tig isang metro ang Ambuklao Dam sa Benguet.
Ang water level ng Ambuklao Dam ay nasa 751 meters o isang metro na lamang sa spilling level nito.
Samantala, ang Binga Dam ay nagbukas ng tatlong gate sa 1.5 meters kada isa dahil malapit na sa 575 meter normal high water level ang reservoir ng water level ng Binga Dam.
Mahigit isang metro na lamang na malapit sa 193 meter spilling level ang water level ng Magat Dam kaya’t nagbukas ito ng isang gate.
Una nang nagpalabas ng tubig ang mga naturang dam dahil sa bagyong Maring.