Mahigpit na binabantayan ngayon ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration ang tatlong dam sa Luzon dulot ng mga pag-ulan na dala ng bagyong ‘Jolina’.
Ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division, kabilang sa kanilang mino-monitor ang Ambuklao at Binga dam sa Benguet; at Magat dam sa Isabela.
Samantala, pinayuhan ng PAGASA ang mga residenteng naninirahan malapit sa magat river na manatili muna sa evacuation centers.