Pinaaaresto ng Sandiganbayan ang 3 dating opisyal ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office.
Nagpalabas ng warrant of arrest ang 6th Division Sandiganbayan laban kina dating PCSO General Manager at Vice Chairperson Rosario Oriarte at MGG dating Board Members na sina Jose Taruc at Fatima Valdez kaugnay sa paglabag ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Sinampahan ng nasabing kaso ang tatlong akusado dahil sa transaksyon noong 2010 sa pagitan ng PCSO at PMA Group of Companies kung saan binigyan umano sila ng all-expense paid trip sa Australia.
By Avee Devierte |With Report from Jill Resontoc