Pinaikli ng korte ang naunang ibinigay nitong panahon sa isang political detainee para makabisita sa burol hanggang libing ng nasawing sanggol nito.
Mula sa tatlong araw, ginawa na lamang ni Manila Regional Trial Court (RTC) Judge Paulino Gallegos na dalawang araw ang ipinagkaloob na furlough kay Reina Mae Nasino o ika-14 at ika-16 ng Oktubre na lamang mula ala-1 hanggang alas-4 ng hapon kada araw.
Una nang nagpatawag ng hearing si Gallegos matapos tutulan ng Warden ng Manila City Jail Female Dormitory ang paglabas ng bilangguan ni Nasino dahil sa kakulangan ng tauhan nilang mag-eescort kay Nasino patungo sa burol at libing ng anak na si Baby River bukod pa sa health reasons.
Tinawag namang ‘injustice’ ng Grupong KAPATID ang desisyon ng korte dahil ang ibang preso na kilala lalo na sa mundo ng pulitika ay nakakasama pa ang kanilang pamilya sa mga family events na dapat ding ibigay kay Nasino.
Dapat naman anilang mabigyan ng laya si Nasino na makapiling pa at masilayan sa huling pagkakataon ang kaniyang sanggol na ililibing na si ika-16 ng Oktubre. —ulat mula kay Aya Yupangco (Pat 5)