Nagtapos na ang tatlong araw na Local Absentee Voting kahapon, May 1.
Sa huling araw kahapon, mahigit sa siyamnaraang (900) mga police sa Cabanatuan City, Nueva Ecija ang nakibahagi sa halalan.
Habang nasa siyamnapung (90) police rin sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang bumoto rin.
Inilatag ng Commission on Elections (COMELEC) ang tatlong araw na local absentee voting para sa mga empleyado ng pamahalaan, sundalo, police at miyembro ng media na may trabaho sa mismong araw ng eleksyon sa Mayo 13.
Samantala, ilang mga Overseas Filipino Workers (OFW) naman sa Singapore ang nadismaya matapos na malamang hindi kabilang sa listahan ng registered absentee voters ang kanilang mga pangalan.