Idineklara ni Mexican President Enrique Peña Nieto ang tatlong araw na national mourning sa nasabing bansa.
Ito ay kasunod ng pagtama ng 8.1 magnitude na lindol sa Mexico kahapon.
Kasabay nito, nanawagan ang Mexican President ng pagkakaisa sa gitna nang naranasang sakuna at nangakong patuloy na tututukan ng pamahalaan ang rehabilitasyon sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.
Sinabi pa ni Nieto na higit na mas malakas ang magiging pagtugon ng mga Mehikano kaysa sa kanilang naranasang lindol.
Kinumpirma rin Nieto na sumampa na sa 61 ang bilang ng nasawi dulot ng nasabing lindol kung saan pinakamarami ang naitala sa Oaxaca State dahil sa pagguho ng maraming gusali sa lugar.
—-