Nagdeklara ng tatlong araw na national mourning si Algerian President Abdelaziz Bouteflika matapos bumagsak ang isang military plane na ikinasawi ng halos tatlong daan (300) katao.
Bukod dito, ipinag-utos din ni Abdelaziz ang pag-aalay ng special prayer para sa mga biktima matapos ang lingguhang Muslim prayers sa araw ng Biyernes.
Ayon sa Defense Ministry, kabilang sa mga nasawi ay dalawandaan at apat naput pitong (247) pasahero at sampung (10) crew members.
Hindi pa malinaw ang dahilan nang pagbagsak ng naturang military plane na itinuturing na worst air disaster sa Algeria.
Magugunitang kaka-take off pa lamang ng Ilyushin IL-76 transport plane nang mangyari ang aksidente kung saan nasunog pa ito nang bumulusok sa Boufarik Airbase.
—-