Idineklara ni Mexican President Enrique Nieto ang three-day national mourning bilang pag-alala sa mahigit 200 katao na nasawi matapos ang pagtama ng 7.1 magnitude na lindol sa nasabing bansa.
Ginawa ni Nieto ang deklarasyon sa pamamagitan ng kanyang Twitter kung saan kanyang sinabi na nakikiisa ang buong Mexico sa mga pagluluksa ng pamilya ng mga nasawi sa lindol.
Una nang nanawagan si Nieto sa lahat ng mga Mehikano na manatiling nagkakaisa at matatag sa gitna ng naranasang sakuna.
—-