Ikinalugod at suportado nina senator Panfilo Lacson, Ralph Recto at Koko Pimentel ang plano ng gobyerno na magsagawa ng 3-day national vaccination drive.
Ayon kay senator Lacson, walang atrasadong hakbang basta’t ito ay para sa ikabubuti ng nakararami.
Giit ni Lacson, ang pagbubukas ng ekonomiya ang hinahangad ng ating mga kababayan para makaahon sa pagkakalugmok.
Sinabi naman ni senator Recto na suportado niya ang ginagawang pagsusumikap ng pamahalaan na mabakunahan ang 50 milyong Filipino bago matapos ang taong kasalukuyan.
Iginiit naman ni senator Pimentel na anumang hakbang at aktibidad para maisulong ang voluntary vaccination ay kalugod-lugod.—mula sa ulat ni Cely Bueno sa panulat ni Airiam Sancho