Hindi pa man natatapos ang araw, itinuturing nang pangkalahatang mapayapa ng Philippine National Police o PNP ang programang 3 araw na “Bayanihan, Bakunahan”.
Ito ang ipinagmalaki ni PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos batay sa ulat sa kaniya ng PNP Monitoring Center sa Kampo Crame.
Ayon kay Carlos, nagmula aniya ito sa 16,097 na mga pulis na nakakalat sa may 5,059 na mga vaccination site sa buong bansa.
Bukod dito, may mahigit 2 libong pulis din ang nagsisilbing encoder at technical support habang ang mahigit 4 na libo naman ay umaalalay sa DOH vaccination teams.
Mula sa 9 ay umakyat na sa 13 ang mga kampo ng Pulisya na binuksan ng PNP para gamitin bilang vaccination site upang mabilis na makamit ang target na population protection laban sa virus.