Bumagsak sa kamay ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang tatlong dayuhan na di umano’y nasa likod black dollar scam.
Kinilala ang mga suspect na sina Aron James, isang Puerto Rican national, Brown Fonboh, isang Amerikano at Gum Murphy mula sa Angola.
Ang modus ng grupo ay hikayatin ang biktima na magbayad ng dalawandaan at limampung libong piso (P250,000) na papalitan nila ng U.S. dollar bills.
Gayunman, natuklasan ng pulisya na pekeng dolyar ang gamit ng mga dayuhan matapos maghain ng reklamo ang isang biktima.
Agad nagsagawa ng entrapment operations ang PNP-CIDG at nadakip ang suspects.
Nakuha sa suspects ang mga pekeng dollar bills at limang milyong pisong gamit sa kanilang operasyon.
Lider at mga miyembro ng Angolan budol-budol group, naaresto ng CIDG sa isang mall sa Pasay City; Mga suspek, nanlaban pa umano dahilan para masugatan ang ilang umarestong pulis @dwiz882 pic.twitter.com/nUoohFEks2
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) May 27, 2018
(Ulat ni Jonathan Andal)