Tatlong dayuhan ang hinarang ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa mga kaduda dudang travel documents.
Kabilang dito ang mag asawang Palestinian na nagtangkang sumakay sa flight patungo ng Malaysia gamit ang pekeng pasaporte at isang Senegalese national na nagtangka namang magtungo ng Toronto, Canada gamit ang pekeng Canadian visa sticker sa kanyang pasaporte.
Inamin ng mag asawang Palestinian na nakuha nila ang kanilang pekeng United Arab Emirates passports sa halagang 10,000 dolyar.
Samantala, nakuha naman di umano ng Segalese passenger ang kanyang pekeng visa mula sa isang kaibigan na nagtra trabaho sa Canadian embassy sa Senegal.
Ibinalik sa kani kanilang port of origin ang tatlong dayuhan at inilagay na sa blacklist ng Bureau of Immigration upang hindi na makapasok pang muli sa bansa.