Hawak ng Customs Police ang 3 dayuhan, matapos tangkaing magpuslit ng 365 na piraso ng ATM clone machines at ATM cards.
Ayon kay Lt. Reggie Tuazon, ang hepe ng Customs Police, ang dalawa ay Hong Kong nationals at ang isa ay Chinese.
Nahuli ang mga ito matapos makita sa random inspection ang mga makina at cards.
Sinabi ni Tuazon na sila ay nakikipag-ugnayan na sa Bangko Sentral ng Pilipinas upang malaman kung sino ang may-ari at ang mga posibleng nabiktima ng mga pinekeng ATM at credit cards.
By Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)