Tatlong (3) miyembro ng Islamic State na patungong Marawi City, Lanao del Sur ang naharang ng mga awtoridad sa Sabah, Malaysia.
Dalawa sa mga nahuli ay Indonesian habang ang isa ay Malaysian.
Kinumpirma ng Joint Task Force Tawi-Tawi na may direktang kaugnayan ang tatlong dayuhan sa ISIS pero hindi na idinetalye ng militar kung kailan at saang bahagi ng Sabah naaresto ang mga suspek.
Una ng binalaan ng Task Force ang mga residente ng Mindanao na sinumang mapatutunayang kumukupkop ng mga terorista ay maaaring maharap sa mabigat na parusa.
By Drew Nacino
3 dayuhang miyembro ng ISIS na tungong Marawi naharang was last modified: June 20th, 2017 by DWIZ 882