Tatlong akusado sa kasong possession of illegal drugs ang inabsuwelto ng Korte Suprema dahil sa kabiguan ng prosekusyong ipaliwanag kung bakit nagsagawa ang Philippine National Police (PNP) ng inventory ng droga nang walang presensya ng media o Department of Justice (DOJ).
Sa January 17, 2019 decision ng Supreme Court 3rd Division, absuwelto sa kaso sina Emmanuel Oliva, Bernardo Barangot at Mark Angelo Manalastas.
Nasakote si Oliva sa Makati City noong January 23, 2015 sa pagbebenta ng point 6 grams ng shabu sa presyong P500 habang narekober din sa kanya ang point 1 gram ng shabu.
Naaresto rin sina Barangot at Manalastas sa pagbibitbit ng point 5 grams at point 3 grams ng shabu at bagaman positibo sa substance test, tanging barangay official ang nakasaksi sa inventory.