Arestado ang tatlong itinuturing na high priority targets sa drug war matapos ang ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operation na nasamsam ang P41.5-M halaga ng shabu sa Lapu-Lapu City, Cebu noong biyernes ng hapon.
Ayon kay Police Colonel Arnel Banzon, nahuli ng otoridad si Millanes na nakumpiskahan ng 2.1 kilo ng shabu na nagkakahalaga na P14.28 milyon, kasunod nito nakuha naman kay Reny Nabor at Rhodoro Dayuha ang 4 na kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga na P27.2-M sa Sitio Mustang, barangay Pusok.
Kasalukuyan ngayong nakaditine ang mga suspek sa Lapu-Lapu City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. — Sa panulat ni Airiam Sancho