Itinanghal bilang 2019 Nobel Prize in Economics winner ang 3 ekonomista na gumamit ng “experimental approach” para maresolba ang kahirapan.
Ito ay sina Abhijit Banerjee at Esther Duflo mula sa Massachusetts Institute of Technology at Michael Kremer ng Harvard University.
Mag-asawang propesor sina Banerjee at Duflo na itinayo ang Abdul Latif Jameel Poverty Action Lab.
Ito ay isang global research center kung saan sinisiguro na ang bawat pag-aaral hinggil sa kahirapan ay mayroon kaakibat na solusyon na sinusuportahan ng mga scientific evidences.
Si Duflo ang pinakabata at ikalawang babae na nanalo ng prestihiyosong award.
Samantalang si Kremer naman ang nanguna sa mga pag-aaral hinggil sa pagpapataas ng school performance sa mga pinakamahihirap na komunidad sa mundo.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay 6 na nobel prize na ang ipinamahagi, kabilang dito ang 2019 nobel prize for chemistry, physics, medicine, literature at ang prestihiyosong nobel peace prize.