Naghain ng kasong falsification sa Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation laban sa tatlong empleyado ng DOJ na sinibak sa trabaho, noong Sabado.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, umamin sina Cyruz Morata, Abvic Ryan Maghirang at Shigred Erigbuagas na ini-scam nila ang anim na Chinese na nagaapply ng visa mula sa Bureau of Immigration.
Kapalit ng malaking halagang pera, pinalabas nina Morata na kanilang pino-proseso ang immigration visas para sa anim na dayuhan at pinekeng pirma ng kanilang supervisor na si Undersecretary Erickson Balmes.
Si Morata ay contractual o “job order” employee habang sina Maghirang at Erigbuagas ay nagsilbing executive assistant at administrative aide ni Balmes.