Tatlong empleyado ng isang veterans’ home sa Napa County, California ang hinostage ng isang gunman.
Ayon sa California Police, unang nakipagbarilan ang suspek sa mga awtoridad bago ito pumasok sa veterans home at nang-hostage.
Batay rin sa ulat, ikinulong ng suspek ang tatlong biktima sa isang kuwarto sa gusali at patuloy pa ring sinusubukan ng mga pulis na makipag-negosyasyon.
Aabot naman sa pitumpong (70) mga estudyante sa Lincoln Theatre na nasa ibaba ng nasabing veterans home ang nailikas na ng mga awtoridad at nasa ligtas nang lagay.
—-