Tatlong grupo ang nagpetisyon na maitaas ang minimum na sahod sa buong bansa.
Nais ng Kilusang Mayo Uno, Kilos na Manggagawa at Metal Workers Alliance of the Philippines na gawing uniporme sa P750 ang minimum wage sa lahat ng panig ng bansa.
Ayon kay Jen Pajel, chairperson ng Kilos na Mangagawa, kahit naman bumaba ang inflation rate ay hindi naman bumaba ang presyo ng bilihin.
Pinuna rin nila na pare pareho lamang ang sitwasyon ng mga manggagawa sa Metro Manila at mga lalawigan kaya’t dapat ay pareho lamang ang minimum wage.
Inihain ang petisyon, limang araw bago ang Labor Day sa Mayo Uno.