Mananatili sa floating ang status ng 3 heneral na tinukoy na protektor umano ng sindikato ng iligal na droga sa bansa.
Ito ang ginawang paglilinaw ng Pambansang Pulisya matapos silang pangalanan mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.
Ayon kay PNP Spokesman S/Supt. Dionardo Carlos, mananatili sa PNP sina C/Supt. Joel Pagdilao, Bernardo Diaz at Edgardo Tinio kahit pa tinanggalan sila ng assignment.
Hindi rin tatanggalan ng tsapa ang 3 heneral habang gumugulong ang imbestigasyon at hindi pa napatutunayan ang alegasyon laban sa kanila.
Sa ngayon, sinabi ni Carlos na mananatili sa tanggapan ng Chief PNP sa Kampo Krame ang tatlo habang isinasagawa ang imbestigasyon.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal (Patrol 31)