Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Debold Sinas na may 3 heneral ng pulisya ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) .
Kinilala ni Sinas ang mga ito na sina P/BGen. Rommil Mitra ng Firearms and Explosives Office o FEO, Outgoing Northern Police District Director P/BGen. Ronaldo Ylagan at P/BGen. Joey Runes ng Office of the Chief PNP.
Paliwanag ni Sinas, agad naihiwalay ang 3 mga opisyal dahil sa mahigpit na pagpapatupad nito ng swab test sa lahat ng mga tauhan ng PNP mula sa pinakamataas hanggang sa pinakababa .
Batay sa pinakahuling datos, mahigit 8,000 pulis na ang tinamaan ng COVID-19 sa kung saan, mahigit 7,000 na ang gumaling habang 26 ang nasawi. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)