Ipinag-utos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang agarang pagbabalik sa Tatlong high profile inmates sa Maximum Security compound ng New Bilibid Prison na tumestigo laban kay Senador Leila de Lima.
Alinsunod sa Department Order Number 496, inatasan ni Aguirre si Bureau of Corrections Officer-In-Charge Rey Raagas na ibalik ang mga convicted drug lords mula sa medium security compound tungo sa orihinal nilang piitan.
Kinabibilangan ito nina Vicente Sy, Jojo Baligad at Peter Co na pangunahing testigo sa drug trafficking case na kinakaharap ni De Lima.
Inobliga rin ng kalihim si Raagas na magsumite ng inventory ng lahat ng mga inmate na inilipat sa ibang detention facility sa loob ng bisinidad ng Bilibid at ang dahilan ang pag-transfer sa kanila.
By: Meann Tanbio
3 High profile inmates binababalik ng DOJ sa maximum security compound was last modified: July 25th, 2017 by DWIZ 882