Kinumpirma ni Senador Christopher Bong Go ang tatlong (3) matunog na high-ranking police officials at palaging nababanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kapalit ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde na nakatakdang magretiro sa Nobyembre 8.
Ayon kay Go, kabilang dito sina Lt. General Camilo Cascolan, Lt. General Archie Gamboa at Major General Guillermo Eleazar.
Aniya, ang tatlong (3) nabanggit na PNP officials ang kabilang sa mga pangalang pinagpipilian ni Pangulong Duterte —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17).