Patay sa engkuwentro sa Payatas Quezon City ang tatlong (3) hinihinalang miyembro ng gun for hire group.
Sa paunang report ng Quezon City Police District o QCPD, nakatanggap sila ng intelligence report na may isasagawang operasyon ang gun for hire group sa Quezon City.
Dahil dito, agad kumilos ang Special Traffic Action Plan Group para harangin ang grupo.
Pasado alas-2:00 nang may dumating na dalawang motorsiklo sa inilagay na checkpoint ng STAG sa Payatas subalit sa halip na huminto ay umiwas ang mga ito at pinaputukan ang mga pulis.
Nagresulta ito sa engkuwentro na ikinasawi ng tatlong suspects samantalang sugatan ang isa pa na naisugod agad sa ospital.
(Ulat ni Jonathan Andal)