Tatlong hinihinalang “hot meat” traders ang arestado sa pagsalakay ng mga awtoridad sa isang illegal slaughterhouse sa bayan ng Guiguinto sa Bulacan.
Kinilala ni Bulacan Police Director, Col. Lawrence Cajipe ang mga suspek na sina Richard Merez, Nilda Plamenco, at Renz Angelo Merez.
Nakatanggap umano ng sumbong ang pulisya hinggil sa double-dead meat slaughterhouse sa Sitio Ibayo, Barangay Pritil na pinatatakbo ng isang “alyas Jaypee”.
Nakatakas ang target ng operasyon habang naaresto ang tatlong indibidwal at nasabat mula sa mga ito ang ilang piraso ng ‘double dead’ na baboy.
Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Food Safety Act.