Isinailalim sa restrictive custody ng PNP o Philippine National Police, ang tatlong (3) hinihinalang kasabwat ni SPO3 Ricky Sta. Isabel sa pagdukot sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo.
Sinabi ni PNP Anti – Illegal Drugs Group Director Senior Supt. Albert Ferro, kasama sa mga nasa kampo Crame ang team leader ni Sta. Isabel na hindi muna pinangalanan.
Sinabi ni Ferro na bukod sa mga kasong serious illegal detention at kidnapping na kinakaharap ng grupo ni Sta. Isabel ay maari din masibak sa serbisyo ang mga ito.
By: Katrina Valle / Jonathan Andal