Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Human Trafficking Division ang 3 illegal recruiters na sinasabing nambiktima ng mahigit 100 katao.
Nabatid na ang mga biktima ay gusto umanong makapagtrabaho sa ibang bansa kung saan, pinagbayad sila ng libu-libong processing fee para sa mga trabahong hindi naman natupad.
Ayon sa NBI, naniningil ng P12,000 ang mga suspek sa mga aplikante kung saan, napag-alaman na hindi umano accredited o hindi lisensyado ng recruitment agency ang mga naaresto.
Ang iba umano sa mga biktima ay mula pa sa mga probinsya gaya ng Davao dahil pinangkuan sila na makakaalis ng bansa pagkatapos ng dalawang buwan.
Sinabi ng NBI na sinamantala umano ng mga suspek ang mga bansang nagbukas ng maraming trabaho dahil maraming pilipino ang nais makaalis dahil sa kahirapan.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng NBI ang mga suspek at inihahanda na ang kaukulang mga kaso.