Boluntaryong nagpasalang sa DNA test ang 3 katao mula sa Iloilo bilang tulong kay Senador Grace Poe.
Ayon kay Atty. George Garcia, abogado ni Poe, umaasa pa rin sila na sa pamamagitan ng DNA ay matutunton nila ang tunay na pamilya ni Poe at mapapatunayan ang pagiging natural born Filipino ng senador.
Ang pahayag ni Garcia ay kasunod ng pasya ng SET o Senate Electoral Tribunal na pagbotohan na ang disqualification case laban kay Poe na inihain ni Rizalito David, isa ring presidentiable.
By Len Aguirre